THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Tuesday, August 3, 2010

Maling Kaibigan, Maling Landas,
Maling Pangyayari

Disisais, taon noong nagsimulang tikman ni Ino ang drogang pinagbabawal. Oras-oras, araw-araw, gabi-gabi, makikitang kasama ang mga barkada. Si Ino ay isang anak ng isang doktor at isang fireman, at madalas wala sila lagi sa tabi ng kanilang mga anak at ito ang naging dahilan na mas napamahal siya sa kanyang mga kaibigan, "mga maling kaibigan".

Isang tahimik na gabi, nasa kwarto lamang si Ino nang napatawag ang isa sa mga kaibigan niya..."hello Ino! hehe. tol, masayang gabi ito, maraming pera si utol binigyan ako, may pang toma na tayo ngayon at... haha! alam mo na tol! may pang pambili ulit tayo ng bato." Agad-agad sumang-ayon si Ino at sinilip mula pinto ng kwarto niya hanggang sala , nakita niya ang kanyang mga magulang na handa ng umalis para magduty. "Ayos tol, paalis na sila mama at papa pwedeng pwede ako ngayon." Sabay sabi ng kaibigan niyang .."Edi, pwede ang bahay niyo ngayon tol. Ayos! Ayos! Sasabihan ko na ang iba papunta diyan. 10 minutes tol, handa ka na, nandyan na kami." Hindi na nakapagsalita si Ino, bigla nang binaba ni Ben , pangalan ng kaibigan niya, ang telepono. Mangangatwiran sana si Ino huwag na lang sa bahay nila sapagkat alas dyis na ng gabi at natutulog na ang apat na taon niyang kapatid na babae, si Nicole sa isang kwarto. Si Nicole ay mahal na mahal ni Ino sapagkat bata pa lamang si Ino ay hangad niyang magkakaroon ng isang kapatid at heto na nga si Nicole na kanyang alaga. Ngunit wala ng nagawa si Ino, isang minuto na lamang ang natitira at nariyan na ang kanyang mga kaibigan.

Nakapaghanda na si Ino. Lamesa sa loob ng kwarto niya, liter, baso, tubig at nakahanda na ang radyo para sa magandang musika habang ang inuman. At pagkalipas na nga ng isang minuto. "beep! beep!" tunog ng busina sa labas. Nariyan na ang sampung nakamotor na kaibigan niya sa labas, dali daling sinalubong ni Ino ang kanyang mga kaibigan sa labas. "oh pare! ayos ah. On time na on time, pero pare huwag lang tayong masyadong maingay, natutulog na kasi si bunso."......"naku! no problem pare!" Sagot ng isa sa mga kaibigan ni Ino. Hindi nagtagal at pinapasok na ni Ino ang kanyang mga kaibigan sa kwarto niya. May kalakihan ang kwarto ni Ino kaya saktong sakto silang lahat doon. At nagsimula na nga ang kasiyahan. Tawa dito, tawa doon. Bawat isa ay may nababahaging kwento. Para bang isa silang napakasayang magkakaibigan na walang problema, ngunit may kamalian ang samahan nila, yun ang paggamit ng pinagbabawal na droga. Pasado alas dose na , lahat na may tama at lahat na ay hilo. Ang musikang kanina'y mahina lang ngunit sa sobrang dami na ng nainom at nagamit na droga'y di na namalayang napakalakas na nng musika nila. Rock kung baga. Lumilipad na ang isip ng iba, napapasayaw at ang iba'y tumbado na. Lakas na rin ng tama ni Ino, pagewang gewang na, ubos na ang alak at wala ng pwedeng magawa kaya ang naisipan ni Ino'y magbilang. Binibilang niya ang mga kaibigan niya . "isa...dalawa...tatlo..." maya maya'y mawawala nanaman siya sa bilang. Paulit ulit na nagbibilang si Ino, hanggang sa nabilang na rin niya sawakas silang lahat. Pagtataka ni Ino kung bakit siyam lamang ang nabilang niya gayong sampo silang lahat na dumating. Malakas pa rin ang tama ni Ino, lumabas siya ng kwarto upang hanapin si Ben, ang nawawala sa kanila kaya naisip ni Ino baka umihi lamang si Ben at baka hindi alam ni Ben ang pasikot sikot sa kanilang bahay. "Ako... ay... may... lobo... lumipad... sa langit... di ko na... nakita... pumutok... na pala...!" kanta ni Ino habang pagewang gewang na naghahanap. Tumba rito, tumba roon hanggang sa nakalimutan na niyang hinahanap niya si Ben. Biglang na lamang naalala niya ang kanyang kapatid na si Nicole. Naisipan niyang silipin saglit ang kanyang kapatid. Habang papalapit ng papalapit sa kwarto ng kanyang kapatid ay may iyak siyang naririnig na palakas na palakas. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto ng kanyang kapatid at.............. Nanlaki ang mga mata ni Ino. Ginagahasa na pala ni Ben si Nilcole. Hindi lamang yun, mahigpit ang hawak ni Ben kay Nicole habang ang mukha ni Nicole ay hindi na maipinta habang umiiyak. Parang isang tangke si Ino na biglang sumabog at nagdilim ang isip. Dali daling kinuha ni Ino ang kutsilyo sa kusina. Sa sobrang lakas rin ng tama ni Ben ay di niya naramdaman o namalayan man lang na nagbukas na pala ang pinto at nakita siya umano ni Ino. Patuloy pa rin si Ben, habang nariyan na pala sa likod niya si Ino. Hinablot ni Ino si Ben ng napakalakas at hinampas sa pader. "TARANTADO KA! .... WALANG HIYA KA!" Nagsisigaw si Ino sa sobrang galit. Nagdilim ang paningin niya at nagwala si Ino. Wala ng ibang nasa isip si Ino kundi ang sumaksak ng sumaksak. Pinagsasaksak niya si Ben na parang isang baboy, inagsasaksak niya ng buong paligid sa sobrang galit, pader, higaan... Hanggang napatakbo ang lahat ng mga kaibigan niya na nasa kwarto. "Mga tol! Putang ina! Ang ingay, ano na nangyayari kay ino."........"Dalian niyo, puntahan natin!".. Sabay-sabay na nagpunta sila sa kinaroroonan nila Ino. Laking gulat ng lahat, nasa sulok na lamang si Ino hawak ang kutsilyo. At biglang nagsalita si Ino na nakatingin sakanilang lahat. "Tang ina! Nasan na ang kapatid ko?!" Hindi ko na naririnig ang boses niya.. tinago niyo?".. Hindi na nila hinintay ang susunod na sasabihin ni Ino. Tumakbo na silang lahat palabas ng bahay at nagsi-alisan na. Tumawag na rin ng pulis ang iba at kinontak ang mga magulang ni Ino. Nang makarating na ang mga magulang ni Ino sa bahay nila kasama ang mga pulis ay hindi sila makapanilwala sa lahat ng nangyari. Si Ino na ay naka upo sa higaan habang pinagmamasdan ang mga kamay.Nahimatay na lamang ang kanyang ina at napaluha na lamang ang kanyang ama. Si Ben ay lasog lasog na na nasa sahig habang ang kapatid na si Nicole ay katabi ni Ino... duguan at wala na ring buhay. Nasama pala si Nicole sa mga pagsasaksak na ginawa ni Ino an hindi tinangkang isama si Nicole. Dinampot na ng mga pulis si Ino.

Hindi maalis sa pagtingin niya ang kanyang mga kamay, pinagmamasdan niya ito buong magdamag sa kulungan habang lumuluha. Pagsisisi ang buong nararamdaman ni Ino na ang tangi na lamang nasasabi sa kanyang saarili ... "Maling kaibigan...Maling Landas... Maling Pangyayari..."

0 comments: