THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Tuesday, August 3, 2010

Maling Kaibigan, Maling Landas,
Maling Pangyayari

Disisais, taon noong nagsimulang tikman ni Ino ang drogang pinagbabawal. Oras-oras, araw-araw, gabi-gabi, makikitang kasama ang mga barkada. Si Ino ay isang anak ng isang doktor at isang fireman, at madalas wala sila lagi sa tabi ng kanilang mga anak at ito ang naging dahilan na mas napamahal siya sa kanyang mga kaibigan, "mga maling kaibigan".

Isang tahimik na gabi, nasa kwarto lamang si Ino nang napatawag ang isa sa mga kaibigan niya..."hello Ino! hehe. tol, masayang gabi ito, maraming pera si utol binigyan ako, may pang toma na tayo ngayon at... haha! alam mo na tol! may pang pambili ulit tayo ng bato." Agad-agad sumang-ayon si Ino at sinilip mula pinto ng kwarto niya hanggang sala , nakita niya ang kanyang mga magulang na handa ng umalis para magduty. "Ayos tol, paalis na sila mama at papa pwedeng pwede ako ngayon." Sabay sabi ng kaibigan niyang .."Edi, pwede ang bahay niyo ngayon tol. Ayos! Ayos! Sasabihan ko na ang iba papunta diyan. 10 minutes tol, handa ka na, nandyan na kami." Hindi na nakapagsalita si Ino, bigla nang binaba ni Ben , pangalan ng kaibigan niya, ang telepono. Mangangatwiran sana si Ino huwag na lang sa bahay nila sapagkat alas dyis na ng gabi at natutulog na ang apat na taon niyang kapatid na babae, si Nicole sa isang kwarto. Si Nicole ay mahal na mahal ni Ino sapagkat bata pa lamang si Ino ay hangad niyang magkakaroon ng isang kapatid at heto na nga si Nicole na kanyang alaga. Ngunit wala ng nagawa si Ino, isang minuto na lamang ang natitira at nariyan na ang kanyang mga kaibigan.

Nakapaghanda na si Ino. Lamesa sa loob ng kwarto niya, liter, baso, tubig at nakahanda na ang radyo para sa magandang musika habang ang inuman. At pagkalipas na nga ng isang minuto. "beep! beep!" tunog ng busina sa labas. Nariyan na ang sampung nakamotor na kaibigan niya sa labas, dali daling sinalubong ni Ino ang kanyang mga kaibigan sa labas. "oh pare! ayos ah. On time na on time, pero pare huwag lang tayong masyadong maingay, natutulog na kasi si bunso."......"naku! no problem pare!" Sagot ng isa sa mga kaibigan ni Ino. Hindi nagtagal at pinapasok na ni Ino ang kanyang mga kaibigan sa kwarto niya. May kalakihan ang kwarto ni Ino kaya saktong sakto silang lahat doon. At nagsimula na nga ang kasiyahan. Tawa dito, tawa doon. Bawat isa ay may nababahaging kwento. Para bang isa silang napakasayang magkakaibigan na walang problema, ngunit may kamalian ang samahan nila, yun ang paggamit ng pinagbabawal na droga. Pasado alas dose na , lahat na may tama at lahat na ay hilo. Ang musikang kanina'y mahina lang ngunit sa sobrang dami na ng nainom at nagamit na droga'y di na namalayang napakalakas na nng musika nila. Rock kung baga. Lumilipad na ang isip ng iba, napapasayaw at ang iba'y tumbado na. Lakas na rin ng tama ni Ino, pagewang gewang na, ubos na ang alak at wala ng pwedeng magawa kaya ang naisipan ni Ino'y magbilang. Binibilang niya ang mga kaibigan niya . "isa...dalawa...tatlo..." maya maya'y mawawala nanaman siya sa bilang. Paulit ulit na nagbibilang si Ino, hanggang sa nabilang na rin niya sawakas silang lahat. Pagtataka ni Ino kung bakit siyam lamang ang nabilang niya gayong sampo silang lahat na dumating. Malakas pa rin ang tama ni Ino, lumabas siya ng kwarto upang hanapin si Ben, ang nawawala sa kanila kaya naisip ni Ino baka umihi lamang si Ben at baka hindi alam ni Ben ang pasikot sikot sa kanilang bahay. "Ako... ay... may... lobo... lumipad... sa langit... di ko na... nakita... pumutok... na pala...!" kanta ni Ino habang pagewang gewang na naghahanap. Tumba rito, tumba roon hanggang sa nakalimutan na niyang hinahanap niya si Ben. Biglang na lamang naalala niya ang kanyang kapatid na si Nicole. Naisipan niyang silipin saglit ang kanyang kapatid. Habang papalapit ng papalapit sa kwarto ng kanyang kapatid ay may iyak siyang naririnig na palakas na palakas. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto ng kanyang kapatid at.............. Nanlaki ang mga mata ni Ino. Ginagahasa na pala ni Ben si Nilcole. Hindi lamang yun, mahigpit ang hawak ni Ben kay Nicole habang ang mukha ni Nicole ay hindi na maipinta habang umiiyak. Parang isang tangke si Ino na biglang sumabog at nagdilim ang isip. Dali daling kinuha ni Ino ang kutsilyo sa kusina. Sa sobrang lakas rin ng tama ni Ben ay di niya naramdaman o namalayan man lang na nagbukas na pala ang pinto at nakita siya umano ni Ino. Patuloy pa rin si Ben, habang nariyan na pala sa likod niya si Ino. Hinablot ni Ino si Ben ng napakalakas at hinampas sa pader. "TARANTADO KA! .... WALANG HIYA KA!" Nagsisigaw si Ino sa sobrang galit. Nagdilim ang paningin niya at nagwala si Ino. Wala ng ibang nasa isip si Ino kundi ang sumaksak ng sumaksak. Pinagsasaksak niya si Ben na parang isang baboy, inagsasaksak niya ng buong paligid sa sobrang galit, pader, higaan... Hanggang napatakbo ang lahat ng mga kaibigan niya na nasa kwarto. "Mga tol! Putang ina! Ang ingay, ano na nangyayari kay ino."........"Dalian niyo, puntahan natin!".. Sabay-sabay na nagpunta sila sa kinaroroonan nila Ino. Laking gulat ng lahat, nasa sulok na lamang si Ino hawak ang kutsilyo. At biglang nagsalita si Ino na nakatingin sakanilang lahat. "Tang ina! Nasan na ang kapatid ko?!" Hindi ko na naririnig ang boses niya.. tinago niyo?".. Hindi na nila hinintay ang susunod na sasabihin ni Ino. Tumakbo na silang lahat palabas ng bahay at nagsi-alisan na. Tumawag na rin ng pulis ang iba at kinontak ang mga magulang ni Ino. Nang makarating na ang mga magulang ni Ino sa bahay nila kasama ang mga pulis ay hindi sila makapanilwala sa lahat ng nangyari. Si Ino na ay naka upo sa higaan habang pinagmamasdan ang mga kamay.Nahimatay na lamang ang kanyang ina at napaluha na lamang ang kanyang ama. Si Ben ay lasog lasog na na nasa sahig habang ang kapatid na si Nicole ay katabi ni Ino... duguan at wala na ring buhay. Nasama pala si Nicole sa mga pagsasaksak na ginawa ni Ino an hindi tinangkang isama si Nicole. Dinampot na ng mga pulis si Ino.

Hindi maalis sa pagtingin niya ang kanyang mga kamay, pinagmamasdan niya ito buong magdamag sa kulungan habang lumuluha. Pagsisisi ang buong nararamdaman ni Ino na ang tangi na lamang nasasabi sa kanyang saarili ... "Maling kaibigan...Maling Landas... Maling Pangyayari..."

Buhay Aktibista

Isang buong mag araw, isang maghapong paghihirap, ganyan ang aktibista. Pinaglalaban ang karapatang ayaw nilang ibigay. Lahat ay nagpapawis at ang lahat ay nais iparating ang nais nilang karapatan.Mahirap ngunit masaya lalo na kung sama-samang nagtutulungan. Isang Aktibista? Oo at isa ako duon.

Hawak ang kartolina na kung saan dito nakasulat ang nais naming iparating. Nakataas ang kamay habang isinisigaw ang mga hinanaing. Kapit bisig at sobrang tatag na ang mga militari. Nag iinit ang ulo ng lahat lalo pa't hindi kami pagbigyan ng lahat. Haharapin kung ano man ang maisusugod sa amin.

Malakas na hampas ng tubig ang sasalubong sa amin. Ang iba'y mapapurong, ang iba'y tatalsik ngunit lahat kami ay di sumusuko.Lakas ng loob na susugod kahit marami na pulis ang pumipigil. Kahit ang iba'y tapak na sa sobrang pananakit nila. Babangon pa rin at hindi uurong.

Sadyang ipaglalaban ang lahat, kung ito ay sadyang ikabubuti ng lahat. Kami sana'y pagbigyan na, kami sana'y pakinggan na. Ang tengang nakatakip ay sana'y mabuksan na. Lahat kami ay naghahangad ng isang maayos na pagtanggap. Matitigil ang lahat upang welga'y matapos na.

Paghihirap

Anong klasen paghihirap ito?
Isip ko na'y gulong gulo.
Pamamalakad ay sobrang higpit
Pamamalakad kung saan kami'y naiipit.

Maglalakad ako sa gitna ng gabi,
Makikita ang maraming militari
Habang takot akong nagtatago
Dahil sa murang indad baka ako'y mabilanggo.

Napakasakit isiping nakakadena kami
Sa mga utos na napakarami.
Araw-araw lumuluha,
Dahil sa mga pagdurusa.

Mahal kong inang naghihirap
Habang sila'y lunod sa sarap.
Ama kong nakagapos sa sulok,
Di malaman kung ito ba'ypagsubok.

Mga magulang kong pinaparusahan,
Sa dahilang hindi ko maintindihan.
Isang walang magawang bata lamang ako
Pinagmamasdan sila kasaba'y ng luhang tumutulo.

Ano bang meron sila?
At kami'y nababahala.
Wala man lang kalaban-laban
Sa tulad nilang makapangyarihan.

Minsan ngang dumungaw ako,
Nakita ko ang maraming tao
Sila pala'y nagrarali
Para sa aming ikabubuti.

Ngunit isang pagpipigil
Na sa mga tao'y sakanila'y hinggil
Pagbuhos ng maraming tubig,
Parang hindi sila marunong umibig.

Masakit man ito para sa amin,
Mga hinanakit ay di maamin.
Kapalaran nga naman ito
Na ang buhay namin, sakanila'y huminto.

Huwag mo akong lisanin

Paano na lamang kaya kung mawala ka sa buahay ko?
Maipaparamdam ko pa kaya pagmamahal ko sa'yo?
Anong kailangan kong gawin upang 'wag ka nang lumisan?
Basta't ang alam ko, di ko kaya kapag ako'y iniwan.

Araw-araw, oras-oras, ikaw lang ang nasa isipan.
Pag ibig ko'y sa iyo lamang at lagi mo 'tong aasahan.
Basta't huwag mo lamang akong lilisanin aking mahal,
Ipapanagko kong ikaw lang habang buhay sa may kapal.

Saan ka na?

Buhay ko ay nag iba
Mula nung nawala ka
Hindi na makangiti
At ikaw lang ang sanhi

Puso ko'y nadurog
Para bang binugbog
Nasan ka na giliw?
Sa iyo na ay baliw.

________________________

Super Hero

Siya ay malakas
Nagtatanggol ng bayan
Ngala'y Superman.


______________________

Liwanag

Hanap ko'y ikaw
Ikaw sana'y matanaw
Oh aking ilaw.

Bayan ko

Ang bayan kong nag iisang iniirog
Pag ibig ko'y tulad ng agos ng ilog
Dugo at pawis ay aking inalay
Sa bayan ko na nagsilbing aking buhay

Ibang bansa'y walang hihigit sa'iyo
Basta't ikaw lamang, ito ay aking pangako
Oh bayan ko, magdusa man sa piling mo
Kahit kailan sa'yo'y hindi maglalaho.

Habang ako'y nabubuhay oh bayan ko
Aasahang pagsisilbihan ang bayan ko
Pilipinas, pangalan na naituring
Nag iisang bansang nais makapiling

Salamat Rizal

Ikaw ay napakadakila

Nag iisang bayani ng bansa
Dahil sa iyo'y naging mapayapa
At ang bansa'y naging maligaya

Buhay mo'y inalay
Kahit ang iba'y walang malay
Pagsasakripisyo't pagtitiis
Lakas ng loob iyong ipinakita

Maraming salamat
Ikaw ang pinakadakila sa lahat
Kami'y pinalaya
Dahil sa iyong pakikibaka